Ang
Nasyonalismo ay may iba’t ibang kahulugan. Maaari pagmamahal at katapatan sa
bayan o bansa gaya ng paghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan at pagsasaalang-alang
sa kapakanan ng inang bayan. Sa pampulitikang pananaw, ito ay ang kusang
pagkilos laban sa anumang banta ng pananakop maging pangkabuhayan, pampulitika
at pangkultura.
Ang mga mahahalagang salik (factors)
ng nasyonalismo ay ang iisang wika, lahi at relihiyon. Ang pagmamahal na ito ng
sariling bansa ay hindi lamang Asya nabuo. Ito rin ay nabuo sa Europa at iba
pang kontinente. Dahil dito ay nabuo ang mga maraming malalayang bansa sa
Europa noong ika-18 at ika-19 dantaon. Ang damdamin din ito ang naging
pangunahing dahilan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1914 1941. Ginamit
ng mga ambisyosong pinuno ang Nasyonalismo upang makapagpatayo ng malalaking
hukbo at isulong ang hangaring mapatanyag ang sariling bansa.
Mas napadali ang paglago ng nasyonalismo sa isang bansa kapag ito ay may iisang wika. Mas mabilis ang komunikasyon kapag ang mga organisador ng pag-aalsa ay nagkakaintindihan. Madali ang pagpapaliwanag ng mga rason ng pag-aalsa, mas nagiging personal ang usapan ng mga tao.
How To Increase The Love In Your Family And Prevent Them From Drifting Apart
Dahil iisa rin ang lahi, mas madaling ipaintindi ang mithiin ng isang grupo. Mas malakas ang "tayo" na pakiramdam. Dahil sa iisa ang lahi, nariyan ang pakiramdam at pag-iisip na dapat tayong magbayanihan, magtulungan para sa ikakabubuti ng lahat.
At siyempre ganun din kapag iisa ang pinaniniwalaan ng mga tao. Mas madali na para sa mga lider ng mga grupo na iparating sa kanilang mga miyembro ang nais nilang sabihin. At pwede rin kasama ang mga taong simbahan sa kanilang grupo.
*excerpts taken Tubalado, Larry B.. (2007). Nasyonalismo sa Asya: Tsina, Vietnam, at Korea, Learning Package No. 22. Makati: FAPE.

No comments:
Post a Comment