Tinalo ng mga Hapones ang mga
Ruso sa digmaan noong 1904-1905. Dati-rati ang tingin ng mga Asyano sa mga puti
at kanluranin ay mataas ngunit dahil sa tagumpay ng bansang Hapon, kanilang
napagtanto na may kahinaan din ang mga imperyalistang bansa.
TrulyRichClub.com - Do You Want to Gain Financial Wealth and Spiritual Abundance at the Same Time?</a>
Ang unang digmaang pandaigdig
noong 1914 ay nagdulot ng kaguluhan sa Europa. Dito nasira ang tingin ng mga
Asyano sa mga kanluranin na nagbunsod at nagpalakas sa kanilang mga loob na
makabuo ng mga kilusan at hukbo na magpapalaya sa kanilang bansa laban sa mga
mananakop.
Sa simula ng Ikalawang
digmaang pandaigdig noong 1941, madaling napabagsak ng mga Hapones ang mga
Ingles, Olandes, Pranses at Amerikano. Dahil dito, ang digmaang ito ay
itinuturing na simula ng wakas ng imperyalismo at ang ganap na pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.
GodWhispersClub.com - Get A Megadose of Blessing. And Take Your Life To A New Direction.</a>
*excerpts
taken Tubalado, Larry B.. (2007). Nasyonalismo sa Asya: Tsina, Vietnam,
at Korea, Learning Package No. 22. Makati: FAPE.
No comments:
Post a Comment